Tuesday, June 7, 2011

Infohumor

Wag kang masyadong seryoso. Minsan masmagegets nila pag nagpapatawa ka lang.

Ang project na ito ay isang history lesson na nagpapanggap bilang isang joke. Nailabas namin ang package na ito sa GMA News Online isang linggo bago mag-25th anniversary ang EDSA People Power 1. Salamat na lang at sumakto kami sa timing at nakarelate ang aming audience sa mga jokes. Buti na lang din at kinumbinsi ako ng boss ko na sumubsob sa research para maging base sa historical fact ang mga kaganapan sa timeline na ito.

Sa tingin ko, balang araw ay magiging ganito na ang taste ng mga Pilipino sa humor, gaguhan na may nakatagong impormasyon.
______________________

Loosen up a little bit. Make it look like a joke and they'll get it.

This project is a history lesson disguised as a joke. We managed to publish it on GMA News Online one week before the 25th anniversary of the EDSA People Power 1 revolt. Our timing was spot on and our audience (thankfully) got the jokes. It's a good thing my boss convinced (commanded) me to dive deep into research so that the events in the timeline would be based on historical fact.

I think Filipinos will eventually learn to like information coated with a thick layer of humor.

(The events and players are true, the status updates are based on fact, and the comments are totally imagined.)

Published by: GMA News Online
Concept/text: Paolo Ferrer
Layout: Analyn Perez
Java: Wayne Manuel

Monday, June 6, 2011

Faster than the speed of TV




Click here for a full screen view of GMANews.TV's provincial tally map

Concept/design: Paolo Ferrer
Design/Flash UI: Kyx Castaneda
Super tech magics: GMA NMI

Mayo 10, 2010, ginanap ang kauna-unahang automated national elections sa Pilipinas. Kabado ang buong bansa. Sino ang magiging bagong Pangulo? Sasablay ba ang mga PCOS machines? Magkakaroon ba ng malawakang dayaan 2.0?

Ang sitwasyon:
Ilang oras matapos magsara ang bilangan ay magsisimula ang COMELEC sa pagtransmit ng mga boto. Ang bilangan, na dati ay inaabot ng ilang linggo, ay maaaring matapos kaagad sa loob lamang ng ilang araw.

Execution:
Ilang interactive, user-friendly applications na ipapakita ang national, provincial, at regional election tally in real time. Oras na magtransmit ng boto ang COMELEC, agad itong lalabas sa GMA News Online.

Ano ang natutunan ko sa gig na ito?
Mabilis na ang ikot ng mundo, ang pangangailangan ng iyong audience ay mabilis ding nagbabago. Kailangan mong kumilos faster than the speed of TV kung gusto mong maibigay ang impormasyon na makabuluhan para sa henerasyong sanay sa Internet.

PERO, bale wala ang bilis kung hindi naman nila naiintindihan kung ano ang pinapakita mo.
______________________________

May 10, 2010, the Philippines held its first automated national elections. The whole country held its breath. Who will be the new President? Will the expensive PCOS machines conk down? Will there be widespread election fraud 2.0?

The situation:
A few hours after the closing of the elections, COMELEC will start transmitting the election returns electronically. The counting, which used to lag on for weeks, would now be done in a matter of days.

Execution:
Interactive, user-friendly applications that will feature the national, provincial, and regional election tally in real time. The second our systems receive the COMELEC transmission, the results show up on GMA News Online.

What I learned from this gig?
We live in a fast-paced world where the needs of your audience rapidly evolve. We must move faster than the speed of TV if we want to deliver information that is relevant to the Internet generation.
BUT speed is useless if the audience doesn’t understand what you’re showing them.

Sunday, June 5, 2011

Babay, comfort zone.

Sanay ang WeeWillDoodle sa paggamit ng markers. Dahil konti ang kulay na mapagpipilian, kadalasan ang mga trabaho namin ay monochrome. Ang video sa ibaba ay isa sa mga unang beses na gumamit kami ng pintura sa aming mural. Oo, mahirap siya. Inabot kami ng dalawang araw para matapos lahat, pero kailangan talaga lumelevel-up ka. Dahil kung hinde, darating ang araw na ikaw mismo maasiwa sa sarili mong trabaho.
_______________________

The WeeWillDoodle crew usually works with markers. Because there are limited color options, most of our pieces are in monochrome. The video below is one of the first times we used paint to infuse some color into our work. Yes, it was challenging. It took the team two days to finish the entire mural. But your style has to continually evolve. If you stay in your comfort zone, one day you'll end up hating your own work.

Tama na ang palusot

Patuloy pa din ang mabagal na proseso ng pagguhit ng Bangas, isang komiks nobela na nag-uumapaw sa aksyon at goto. Ito ang project na sampung taon kong ipinagpaliban. Bakit kamo? Kasi mahilig akong magpalusot sa aking sarili. Heto ang top 5 bullshit excuses na sinasabi ko sa sarili ko:

1. Hindi ko yata kaya.
2. Ok lang yan, may panahon pa.
3. Kailangan ko pang magrevise ng kwento.
4. Hilaw pa yung konsepto.
5. Di bale, bukas sisimulan ko na.

Noong 2009, nagpasya ako na ibasura na ang mga bullshit excuses at isusulat ko na ang Bangas. Noong 2010, sinimulan ko na ang seryosong paglalaan ng oras para maiguhit ito. Mahirap balansehin ang trabaho, ang mga raket, at ang "personal project." Ganon talaga ang buhay. Mahirap talagang magluwal ng ideya sa mundo. Kaya tama na ang bullshit. Game na.

Lalabas ang Bangas sa last quarter ng 2011 sa Paltik Komiks Anthology. Kasama dito ang mga gawa ni Ivan Despi, at Chester Ocampo.
_____________________________

I’m still working on Bangas, a comic book filled to the brim with action and goto. This is the project that I’ve been putting off for ten years. Why? Because I give myself bullshit excuses. Here are the top 5 on my list:

1. I can’t do it.
2. It’s ok, I’ve got lots of time.
3. The story needs to be revised.
4. I still need to develop the concept.
5. I’ll start working on it tomorrow.

In 2009, I decided to get rid of all my bullshit excuses and I started writing the script. In 2010, I started seriously devoting time to draw the pages. It’s difficult balancing your day job, your sidelines, and your “personal project.” But that’s just how it is. If you want to bring an idea into this world you’ll have to go through birthing pains. So get rid of all the bullshit and get to work.

You’ll find Bangas in the Paltik Komiks Anthology together with stories from Ivan Despi and Chester Ocampo.

Here's a short preview of Bangas...


Wednesday, June 1, 2011

Small Victories

Ang susunod na mga larawan ay gawa ng fans ng WeeWillDoodle. Pinopost nila ang mga ito sa Facebook wall namin. Linggo-linggo ay may mga bagong submissions. Hindi namin sila dinidiktahan na gawin ito, kusa nilang binabahagi sa amin ang kanilang mga obra.

Ito ang dahilan kung bakit may WeeWillDoodle, upang hikayatin ang mga "non-artists" na subukang gumuhit. Pag nagsawa na sila sa doodling, umaasa kami na lelevel-up sila sa ibang klase ng art forms. Para sa amin, tuwing may nagpopost ng kanilang likha sa aming wall, ito ay isang maliit na tagumpay.
________________________

The following set of image were created by fans of WeeWillDoodle and posted on our Facebook wall. Every week we get an interesting mix of new submissions. We don't ask them to do it, they just like sharing their work.

This is the reason why WeeWillDoodle exists, to inspire "non-artists" to try and draw. Hopefully when they get tired of doodling they'll seek out more advanced forms of art. For us, everytime a fan posts a doodle, it is considered as a small victory.






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...