Start simple.

Challenge yourself.

Experiment.

What started out as a time waster in the office has evolved into something delightfully simple. WeeWillDoodle is the brainchild of prolific graphic artist, Nelz Yumul. I'm eternally grateful to Nelz for asking me to be one of the group's founding members. In its zygote stage, WeeWillDoodle was the title of an impromptu art show. We have since modified it into a collective of "artists" who promote doodling as an effective way to flesh out ideas and enhance creativity. Since its inception in 2007, we've doodled on almost anything from recycled boxes to brand new cars.
Working with the group has taught me to relax and just let ideas flow. You can always sort the mess out later. It's amazing what you can come up with when you don't second guess every little thought that materializes in your head.
_______________________________
Nagsimula siya bilang pampaubos-oras sa opisina. Makalipas ang ilang taon ay marami-rami na ring tao ang naaliw sa simpleng konsepto ng WeeWillDoodle. Nagmula ang idea kay graphic artist Nelz Yumul. Laking pasasalamat ko sa kaniya at sinama niya ako bilang isa sa mga pinakaunang miyembro ng grupo. Nung una ang "WeeWillDoodle" ay pangalan lang ng isang madaliang art exhibit, pero habang tumatagal, unti-unti naming binago ang identity nito. Ngayon ay isa na siyang art collective na nagpopromote ng doodling bilang isang mainam na paraan upang mapalago ang imahinasyon. Mula nang mabuo ang grupo noong 2007, nakapagdrowing na kami sa halos lahat ng bagay, mula sa tinapon na mga kahon hanggang sa mga bagong-bagong kotse.
Natutunan ko sa WeeWillDoodle ang magrelax upang malayang makapaglaro ang aking imahinasyon. Matapos mong ipunin ang mga idea, saka mo na lang piliin kung alin sa mga ito ang iyong magagamit. Kung hindi mo masyadong mamanduhan ang iyong guni-guni, mas nakakatuwa ang mga konsepto na makukuha mo mula dito.


No comments:
Post a Comment