Wednesday, May 25, 2011

Simulan mo. Now na.


Ano pa ang hinihintay mo?

Ang tamang pagkakataon

ay palaging ngayon.

Sampung taon nang naglalaro sa isipan ko ang isang kwento. Palagi kong sinasabi sa sarili ko, “balang araw,” o kaya “hindi pa ako handa.” Paggising ko isang umaga, isang dekada na ang nawala. Hindi niya isusulat ang sarili niya. Hindi niya iguguhit ang sarili niya. Hangga’t hindi ka nagsisimula, ang nagagawa mo lang ay maraming wala.

Simulan mo. Now na.

____________________

What are you waiting for?

The right time

is always now.

For ten years there was this story running through my head. I always told tell myself, “one day I’ll be ready.” Then one morning I woke up and a decade has gone by. It’s not going to write itself. It’s not going to draw itself. Until you start working on it, all you’re doing is a whole lot of nothing.

Start. Now.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...