Monday, May 30, 2011

Team, work.

Bahagi ng trabaho ko sa GMA News Online ang pag-aaral ng mga nakakalulang bundok ng data. Ang data na ito ay kailangan ayusin upang masmadaling maunawaan ng users ng website.

2010, bagong halal pa lang noon si President Noynoy Aquino. Sinasabi nilang ang unang 100 na araw ng Pangulo ay mahalaga dahil dito makikita ang "leadership style" ng bagong administrasyon.

Problem: Paano ipapakita ang leadership style ng bagong Pangulo sa kaniyang unang 100 araw ng panunungkulan?

Solution: Ilista lahat ng mga opisyal na kilos ng Pangulo sa loob ng 100 araw upang makita kung may pattern na lalabas.

Executions:
-Isang interactive Java application na maipapakita ang lahat ng news articles na related sa unang 100 araw ni PNoy

Concept by Paolo Ferrer, interactive grid designed by Wayne Manuel, data compiled by Candice Montenegro, Yasmine Arquiza


-Isang Google Calendar na nakatala ang lahat ang official functions ni PNoy sa unang 100 araw niya sa pwesto.




-Isang infographic na magpapakita ng patterns na lalabas mula sa datos na nakolekta.

Text by Paolo Ferrer, infographic by Analyn Perez

Hindi matutupad ang mga ito kung hindi nagtulong-tulong ang iba-ibang galamay ng GMA News Online.

Kailangang buntutan ng mga reporter si PNoy kahit saan siya magpunta.

Kailangang maitala ang lahat ng impormasyon na galing sa mga reporter na nanso-stalk sa Pangulo.

Kailangan i-design ang visual executions.

Kailangan gawin ang code ng Java app.

Kailangan i-double check ng editors kung tama ba ang impormasyong ilalathala sa site.

Nasan na nga pala yung mga thumbnails?

Kapit bisig, tulong-tulong. Walang matutupad na ambisyosong project kung hindi kikilos ang lahat ng galamay.

Teamwork. Team, work.
_____________________________

Sorry, no speak English for this one. It was difficult to lay this entry out with an English translation.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...